Powered By Blogger

Saturday, January 23, 2021

MAG-AMANG NAWALA SA LOOB NG 21 ARAW, NAKITA NA NA PALUTANG LUTANG SA BABAYIN NG TAWI-TAWI

 MAG-AMANG NAWALA SA LOOB NG 21 ARAW, NAKITA NA PALUTANG LUTANG SA BABAYIN NG TAWI-TAWI

by: Reynold Arca


Masasabing answered prayer para sa pamilyang Beso ang balita na nakita na ang kanilang kamag anak na palutang lutang sa babayin ng Tawi-Tawi sa Mindanao matapos mawala ng 21 araw. 

Ayon kay Allen Rose Beso, ipinaalam sa kanila kaninang umaga ng Philippine Coast Guard Antique na narescue ng PCG Tawi-Tawi  ang kanyang ama at kapatid

Nangisda ang mag ama na kinilala kay Ruben Beso Sr. at Lauren Beso kasama si John Javellana noong Enero 2, 2021 at hindi na ito makita makalipas ang 21 araw.


Pahayag ni Allen Rose, naniniwala sila na buhay ang kanyang ama at kapatid dahil wala siyang naramdaman na  may masamang nangyari sa mga ito.


Sa loob ng 21 araw na palutang lutang sa dagat at wala makain at mainom at kapwa naghihina na  nong marescue.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng nag coordination ang PCG San Jose, Antique upang mapauwi na sila sa kanilang bahay sa Antique.
 
Via Rmn Iloilo

No comments:

Post a Comment

23 PERSONNEL NG DILG- ILOILO PROVINCE, NAGPOSITIBO SA COVID-19

 23 PERSONNEL NG DILG- ILOILO PROVINCE, NAGPOSITIBO SA COVID-19 by: Reynold Arca Nagpositibo sa COVID-19 ang 23 empleyado ng Department of I...