PWEDI MO PA KAYANG IBALIK ANG LAHAT SA UMPISA KUNG MINSAN MO NA ITONG SINUKUAN AT SINAYANG?
Writer: Reynold Arca
Sabi nila, ingatan daw natin habang nandiyan pa.
Mahalin, alagaan, gawing memorable ang lahat habang kapit mo pa. Dahil baka isang araw, gigising na lang tayo na wala na.
My name is Ton, at isa na ata sa pinakamalaking pagkakamali ko ay ang hayaang tuluyang mawala ang babaeng mahal ko. Her name is Faith, a bubbly caring matured woman.
In todays life, where people, places and moments are too easily to replaced. I became demanding in a words na "marami pa namang diyang iba".
In short, naging kampante ako.
We do what usually a normal couple does. We go for date, travel, vacation etc. But after sharing every pieces of our heart, I fell out of love. I felt tired and I want to feel the life of being a single. I don't exactly know why? Is this fair? Is it normal to feel this way?
"Oh, bat namin tahimik? Hmmm, let me guess. Ton, may surprise ka na naman ano? Sus, may pa sad effect ka pang nalalaman", Faith said with glittery in her astonishing eyes.
Ngumiti ako ng mapakla.
"Faith, have you experienced na makaramdam ng pananawa?"
"Wha-what do you mean? Ton? Bakit? Nagsasawa ka na ba?", biglang lumamig ang tono ng pananalita niya habang umupo sa nakalaang upuan para sa kaniya.
Sandali akong huminga ng malalim.
"Just answer me, Faith. Gusto ko lang talagang malaman."
"Alam mo, Ton. I don't know if tamang makaramdam ng pananawa kasi kung talagang mahal mo ang isang tao bakit ka magsasawa hindi ba? Kaya ako, I never felt na manawa sa ating relasyon"
"But, what if I says nagsasawa na ako. Na gusto ko ng space, na gusto kong maramdamang hindi in a relationship. Ang tagal tagal na rin kasi natin, Faith. And I'm sorry, if I felt boring being in a relationship with you"
Habang sinasabi iyon ay nakatungo lang ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kaniyang nasasaktan siya. Kahit sabihing hindi na ako interesado sa kaniya, minahal ko pa rin naman siya.
"Ikaw naman, Ton. Masyado kang mapagbiro", tumatawa-tawa siya pero ramdam ko at dinig ko sa boses niya ang pilit niyang pagpigil sa pagluha.
"I'm sorry, Fa-"
"Alam mo Ton, ikaw na ang best actor of the year", pilit pa rin niyang pinapakalma ang sarili niya.
"Halika nga, yakapin na lang kita"
Fck! What a strong woman!
Tumayo siya at tumabi sa akin at niyapos ako ng mahigpit habang ako'y tila blanko na hindi alam ang sasabihin. Mula sa likod ay ramdam ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha at mahinang paghikbi.
Matapos ang ilang minutong pag-yakap niya sa akin ay pilit niya akong pinatingin sa kaniya.
"Tumingin ka sa akin, babe", patuloy niyang paghikbi.
"Gusto ko, pag may sasabihin ka sa akin tumingin ka sa mga mata ko.", garalgal niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha niya gamit ang kaniyang kamay.
"Kaya if ever na gusto mong makipaghiwalay, sabihin mo sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. Pero kung pwwede lang naman, baka pwede pa naman, baka meron pa namang katiting na pagmamahal, balik tayo sa simula please. I don't want to loose you, babe. I know you are aware. Space? Gusto mo ng space bibigyan kita pero babalikan mo ako please", sa mga sinasabi niya'y kitang-kita ko ang kaniyang panghihina na hindi ko inaasahang luluhod pa siya sa harapan ko at magmamakawa. Ganito ba magmahal ang isang babae?
"Faith, please tumayo ka"
"No, ayoko Ton. Ipangako mo munang babalik ka sakaling pakawalan kita"
"Hindi ko maipapangako, Faith. Marami pa namang iba diyan, why don't we try someone else. Bakit hindi natin subukan na ibigay sa iba yung pagmamahal natin? Let's just try"
"Ton, bakit kailangan pang itry sa iba. Kailangan bang ganun? Paano naman ako na sobrang nagmamahal sayo?"
Bago pa humaba ang diskusyon ay pilit ko siyang itinayo sa pagkakaluhod. At sandaling pinakalma ang isa't-isa.
"Faith, palayain mo na ako please". pangunguna ko dahil buo na ang desisyon ko.
"For the last time, tumingin ka sa mga mata ko Ton habang sinasabing mahal na mahal mo ako, please". paki-usap niya.
"I love you, babe. Please, tell me that you love me more than I love you"
Pero I need to be honest.
"Mahal na ... mahal kita Faith... pero dati yun. I'm sorry, I really fell out of love. I don't love you anymore"
Sa mga oras na iyan, batid ko. Batid ko kung gaano ko nasaktan si Faith pero pinairal ko ang kagustuhan ko. Hindi ko naman siguro kasalanan na parang na lobat na yung pag-ibig ko para sa kaniya.
Mahigit sampung taong umikot ang mundo mula ng mangyari ang hiwalayan namin just because I felt out of love.
10 years na matagal kaming hindi nagkita and I don't have any idea kung magkikita pa kami. I am currently working and who know's that fate will feel joy on making people met again after a decades. Is it a destiny? As they say, if she is really meant for you, no matter how long it takes, you will destined to met each other.
Sobrang lakas ng ulan noong gabing iyon, galing ako sa trabaho at kasalukuyang naghihintay ng sasakyan ng isang babae ang nakita ko na napakalayo na sa simpleng pagkakakilala ko sa kaniya.
"Faith?"
"Ton?", sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napayapos ako sa kaniya na tila ba ang tagal ko itong hinanap-hanap. Parang nagbalik lahat lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya.
"Ton", bigla akong natauhan ng tawagin niya ang pangalan ko kaya umalis ako sa pagkakayakap.
"Kamusta na? Ang laki na ng pinagbago mo ah?", sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang siya ay ngumiti naman. Napansin kong wala yatang dumaraang sasakyan kaya niyaya ko siyang maglakad-lakad kami sa ulan tutal basa na kami. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko habang naririnig siyang nagkwekwento mula noong naghiwalay kami. Parehas pala kaming naging successful na makapagtapos hanggang sa napunta ako sa pagtatanong sa kaniya na puno ng pag-asa.
"Faith, sayang tayo ano? Sa tingin mo kaya pa? Pwede pa kaya?"
Bahagya kaming huminto at inayos niya ang buhok ko.
"Kaya pa..", mahina niyang sambit at ng marinig iyon ay halos lumulundag ang puso ko sa tuwa.
"Kaya pa... pero huli na...." at pinakita niya ang singsing sa kaniyang daliri.
Sa narinig ay sabay ng mabibigat ng bagsak ng ulan ay sabay rin ng pagbagsak ng aking mga luha.
"You know what? The saddest thing ever happen is when you both love each other, and then one day, one fell out of love and left the other still in love."
"You was the love of my life but life must move on. So, Ton you better move on too."
"Huli na ang lahat."
No comments:
Post a Comment