MAG-AMANG NAWALA SA LOOB NG 21 ARAW, NAKITA NA PALUTANG LUTANG SA BABAYIN NG TAWI-TAWI
by: Reynold Arca
Masasabing answered prayer para sa pamilyang Beso ang balita na nakita na ang kanilang kamag anak na palutang lutang sa babayin ng Tawi-Tawi sa Mindanao matapos mawala ng 21 araw.
Ayon kay Allen Rose Beso, ipinaalam sa kanila kaninang umaga ng Philippine Coast Guard Antique na narescue ng PCG Tawi-Tawi ang kanyang ama at kapatid
Nangisda ang mag ama na kinilala kay Ruben Beso Sr. at Lauren Beso kasama si John Javellana noong Enero 2, 2021 at hindi na ito makita makalipas ang 21 araw.
Pahayag ni Allen Rose, naniniwala sila na buhay ang kanyang ama at kapatid dahil wala siyang naramdaman na may masamang nangyari sa mga ito.
Sa loob ng 21 araw na palutang lutang sa dagat at wala makain at mainom at kapwa naghihina na nong marescue.
Sa ngayon ay nagsasagawa ng nag coordination ang PCG San Jose, Antique upang mapauwi na sila sa kanilang bahay sa Antique.
Via Rmn Iloilo